35-Ektaryang Retarding Basin sa Imus, Ipinasa sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite

IMUS, Cavite — Pormal nang ipinasa ng Department of Public Works and Highways at Japan International Cooperation Agency sa pamahalaang panlalawigan ng Cavite ang isang 35-ektaryang retarding basin sa Barangay Anabu 1-G noong Setyembre 1.

Pinangunahan ang turnover nina DPWH Sec. Vince Dizon at SILG Jonvic Remulla, at tinanggap ni Congw. Athena Tolentino kasama sina Vice Gov. Ram Revilla at Imus City Mayor Alex Advincula.

Ang pasilidad ay kayang mag-imbak ng hanggang 1.12 milyong cubic meters ng tubig-ulan—katumbas ng humigit-kumulang 448 Olympic-size swimming pools—na inaasahang makababawas sa pagbaha sa mga mabababang lugar ng Imus at sa mga komunidad sa kahabaan ng Imus River.

Bahagi ito ng Flood Risk Management Project para sa Imus River na layong mabawasan ang pinsala dulot ng pagbaha. Binigyang-diin ng mga opisyal na mahalaga ang tuloy-tuloy na maintenance, monitoring, at kooperasyon ng pamahalaan at komunidad upang maging epektibo ang proyekto.

Photo source: City of Imus Cavite/Facebook

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading