Uniform Allowance Distribution, Ipinamahagi sa 4 na Paaralan sa Silang
Ipinamahagi ang uniform allowance distribution sa mga mag-aaral ng Lalaan Central School, Lalaan Elementary School, Kaong Elementary School at Kaong National High School kung saan tumanggap ang bawat benepisyaryo ng P1,100 uniform allowance noong September 2 at 3, 2026.
Pinangunahan ni Mayor Gen Ted Carranza, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Silang, ang maayos na distribusyon ng naturang ayuda upang matiyak na makarating ito sa mga estudyanteng nangangailangan at ang mga magulang at guardians.
Ayon kay Mayor Carranza, layunin ng programa na walang mag-aaral na maiiwan at lahat ay mabigyan ng suporta para sa kanilang pag-aaral. Pinasalamatan din niya ang mga guro at kawani ng mga paaralan sa kanilang pakikiisa at pagtulong sa implementasyon ng programa.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang pagbibigay ng uniform allowance bilang bahagi ng kanilang suporta sa edukasyon ng mga kabataang Silangueño.
#CaviteConnect

