1,000 Sako ng Bigas Hatid NG Raemulan Lands Para sa Gentriseño; Mayor Jon-Jon Ferrer, Nagpasalamat
GENTRI, Cavite –— Nagpasalamat si Mayor Jon-Jon Ferrer sa rice donation mula sa Raemulan Lands, Inc. na umabot sa 1,000 sako ng tig-5 kilong bigas para sa mga GenTriseñong naapektuhan ng habagat nitong mga nakaraang linggo.
Ayon sa alkalde, malaking tulong ang naturang donasyon sa mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa pinsalang dulot ng masamang panahon.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa Joy Kalingap at Joy-Nostalg sa kanilang malasakit at suporta sa komunidad.
Bahagi ang inisyatibong ito ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor para sa food security sa lungsod.
#CaviteConnect

