MOBILE CLINIC SA ALFONSO, NAGHATID SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA PANGUNGUNA NG ALFONSO LGU
ALFONSO, Cavite — Patuloy na inilalapit ng lokal na pamahalaan ng Alfonso ang serbisyong pangkalusugan sa mga barangay sa pamamagitan ng Mobile Clinic, na kamakailan ay naghatid ng libreng serbisyong medikal sa komunidad.
Ayon kay Alfonso Mayor Randy Salamat, lubos ang kanyang pasasalamat sa Mobile Clinic at Dok-to-Door team, gayundin sa mga Barangay Health Workers (BHWs) at mga lingkod-barangay, sa kanilang dedikasyon sa pagtulong at pagkalinga sa bawat Alfonseño.
Binigyang-diin ng alkalde na malaking tulong ang ganitong inisyatiba upang matiyak na naaabot ng serbisyong pangkalusugan ang bawat residente, lalo na sa mga nangangailangan. #

