Universal Access to Quality Tertiary Education ACT, Nilagdaan ni PBBM; Mas Maraming College Students, Makikinabang

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga amyenda para sa free college law o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act upang palawakin ang access sa libreng kolehiyo at dagdag na tulong pinansyal sa mga estudyante.

Kabilang sa mga pagbabago ang pagpapalawak ng Tertiary Education Subsidy (TES), suporta sa internship at board exam fees, at tulong sa mga estudyanteng mula sa mahihirap na sektor, kabilang ang 4Ps beneficiaries at persons with disabilities.

Isasama rin ang Private Education Assistance Program para sa mga nais mag-aral sa pribadong paaralan.

Layunin ng batas na mas maraming Pilipino ang makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay. #

Courtesy: PILIPIN CONNECT

Photo credits: PHILIPPINE START

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading