CvSU College of Medicine, Ganap nang Kinilala ng CHED

INDANG, Cavite —- Pormal nang kinilala ng CHED ang Cavite State University (CvSU) College of Medicine matapos mabigyan ng full Certificate of Program Compliance (COPC).

Patunay ito na pasok sa pamantayan ang Doctor of Medicine program ng unibersidad at magpapalawak ng access sa medical education sa Calabarzon.

Ayon sa CvSU, palalakasin pa ang programa sa pamamagitan ng dagdag na faculty, research, at community-based training kasama ang LGU Indang at rural health units.

Nilinaw rin na mananatiling competitive ang admission at hindi awtomatikong matatanggap ang CvSU pre-med graduates.

Layunin ng programa na makapaghubog ng mga dekalidad at serbisyong handang doktor para sa Cavite at iba pang komunidad.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading