Raemulan Lands, Nag-Donate ng Libu-Libong Sako ng Bigas sa Tanza, General Trias, at Naic Cavite

Upang higit na matulungan ang pamahalaan sa pagtugon at pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad, ipinagkaloob ng Raemulan Lands, Inc. ang tig-1,000 sako ng bigas sa ilang lokal na pamahalaan sa Cavite.

Kabilang sa mga nakatanggap ng donasyon ang Naic, Tanza at General Trias, na malaking tulong para sa mga pamilyang hanggang ngayon ay nangangailangan ng suporta matapos ang kalamidad.

Nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat sina Naic Mayor Rommel Magbitang, Tanza Mayor SM Matro, at General Trias Mayor Jon-Jon Ferrer sa tulong na ipinagkaloob ng Raemulan Lands, Inc.

Nagpasalamat din ang mga lokal na pamahalaan sa Joy Kalingap at Joy Nostalg sa kanilang malaking suporta at malasakit sa komunidad.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading