CvSU, May Solar Energy Facilities na sa mga Campuses sa Ilalim ng PPP Program

INDANG — Naka-solar energy na ngayon ang main campus ng Cavite State University (CvSU) sa Indang at 13 pang campuses sa Cavite.

Isinagawa ang proyekto sa pamamagitan ng public-private partnership na walang gastos mula sa pamahalaan.

Pinangunahan ni CvSU President Maria Agnes Nuestro ang commissioning ng solar power system at naroon din ang presensya ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon.

Ayon sa unibersidad, inaasahang makakatipid ito ng milyon-milyong piso sa kuryente na maaaring ilaan sa mga pangangailangan sa edukasyon.

Maaari rin umanong kumita ang CvSU mula sa sobrang kuryente na ibinabalik sa power grid at sa carbon credits.

Bahagi rin ito ng pagsusulong ng renewable energy at pagbawas ng carbon emissions sa bansa.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading