Pacquiao, Nanumpa Sa Harap ni PBBM Bilang Kinatawan ng NAPC
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa katungkulan ni Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang Secretary at Lead Convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ngayong Araw ng Martes, September 8.
Inaasahan na palalakasin ni Pacquiao ang mga programa ng pamahalaan laban sa kahirapan sa pamamagitan ng mas pinatibay na koordinasyon at pagpapalapit ng serbisyo sa mga mahihirap na komunidad.
Nagpahayag ng kumpiyansa ang administrasyon na makatutulong si Pacquiao sa pagpapalawak ng social services at mga proyektong pangkomunidad sa buong bansa.
#PilipinasConnect

