Mayor Arca, Personal na Bumisita sa Seasonal Farm Workers ng Maragondon sa South Korea
SOUTH KOREA —– Personal na binisita ni Maragondon Mayor Lawrence Arca, kasama sina Senior Labor and Employment Officer Ria Kris Tibayan at Consultant Christine Batarlo, ang mga seasonal farm workers mula Maragondon na nagtatrabaho sa South Korea.
Layunin ng pagbisita na kamustahin ang kanilang kalagayan, pakinggan ang kanilang mga kwento, at iparamdam ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa mga manggagawang nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Patuloy namang hinihikayat ang mga taga-Maragondon na naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan sa PESO Maragondon para sa mga lehitimo at beripikadong job opportunities at iba pang employment assistance.
#CaviteConnect

