Responsableng Serbisyo sa Anumang Panahon: Dalawang Groundbreaking Ceremony, Isinagawa sa Alfonso Sakabila ng Masamang Panahon

ALFONSO — Ipinakita ni Alfonso Mayor Randy Salamat ang patuloy na paghahatid ng Responsableng Serbisyo sa anumang panahon sa kabila ng masamang panahon, sa pamamagitan ng pag-inspeksyon at pagpapasinaya ng mga proyekto para sa bayan.

Isinagawa noong Lunes, September 7, ang dalawang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng Child Development Center sa Brgy. Esperanza Ibaba at Grade 6 classroom sa Mangas Elementary School sakabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Layunin ng mga proyekto na palakasin ang access sa de-kalidad na edukasyon at early childhood development sa mga mag-aaral ng Alfonso.

Nagpasalamat din si Mayor Salamat sa mga taxpayers na patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkaunlaran ng lokal na pamahalaan.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading