Top-Performing Mayors sa Cavite, Pinangunahan ni Mayor Matro ng Tanza – Survey

CAVITE — Nanguna si Tanza Mayor SM Matro sa listahan ng mga top-performing municipal mayors sa lalawigan ng Cavite, ayon sa isinagawang survey ng One Research Philippines Inc. noong Agosto 2026.

Sa resulta ng non-commissioned survey, nakakuha si Matro ng 91.2% performance rating, batay sa pananaw ng mga residente hinggil sa pagiging maagap, presensya, at aksyon ng kanilang alkalde lalo na sa panahon ng kalamidad.

Pumangalawa si Alfonso Mayor Randy Salamat na may 85.1%, sinundan ni Maragondon Mayor Lawrence Arca na may 84.9%. Kasunod naman sina Naic Mayor Rommel Magbitang (83.5%), Silang Mayor Ted Carranza at Indang Mayor Virgilio Fidel na kapwa may 83.1%.

Nasa listahan din sina Magallanes Mayor Janessa Maligaya (82.5%), Bailen Mayor Dennis Glean (81.6%), Rosario Mayor Voltaire Ricafente (81.6%), Mendez Mayor Cocoy Mendoza (81.3%), Amadeo Mayor Jojo Domingo (81.1%), at Noveleta Mayor Davey Chua na may 80.9%.

Batay sa survey, tinanong ang mga kalahok: “Kumikilos ba ang inyong mayor at ramdam ba ang kanyang presensya tuwing may kalamidad?” — isang sukatan ng tiwala at pagiging epektibo ng lokal na pamumuno sa oras ng pangangailangan.

Umabot sa 1,000 residente kada munisipalidad ang lumahok sa pag-aaral, na karamihan ay nasa edad 18 hanggang 50 taong gulang. Sa kabuuang bilang, 68% ay kababaihan, na nagbigay rin ng malaking ambag sa resulta ng survey.

Ipinapakita ng nasabing pag-aaral ang mataas na pagpapahalaga ng mga Caviteño sa visibility, responsiveness, at agarang aksyon ng kanilang mga alkalde, lalo na sa gitna ng mga kalamidad at emergency.

Ayon sa One Research Philippines Inc., layunin ng survey na masukat ang aktuwal na karanasan ng mamamayan sa pamumuno ng kanilang mga lokal na opisyal at magsilbing batayan sa pagpapabuti pa ng serbisyo publiko sa mga bayan ng Cavite.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading