BM Jasmin Maligaya-Bautista: Pagkakaisa at Kolektibong Pagkilos Susi sa Pag-unlad ng Bayan

“A nation is not built by one man alone but by the collective effort of its people,”

Ito ang binigyang-diin ni Board Member Jasmin Maligaya-Bautista mula sa mensahe ni Emilio Aguinaldo, kung saan ipinapakita ang kahalagahan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mamamayan sa patuloy na pag-unlad ng bayan at ng buong bansa.

Hindi lamang pagtulong at serbisyo ang dapat tutukan ng bawat lider sa iba’t ibang saklaw ng gobyerno. Bagkus, ang makapagbahagi ng mga mahahalaga at makabuluhang mensahe mula sa ating mga tinitingalang lider at bayani sa ating bansa na mas huhubog sa kahusayan ng bawat namumuno at ng ordinaryong mamamayan. Aniya, ang pag-unlad ay hindi nakasalalay sa iisang indibidwal lamang kundi sa pinagsama-samang pagsisikap ng bawat isa.

Ipinaalala rin ni BM Maligaya-Bautista na ang bawat ambag, gaano man kaliit, ay may malaking papel sa pagpapatatag ng komunidad at sa pag-abot ng mas maunlad na kinabukasan.

Hinikayat ni BM Maligaya-Bautista ang publiko na patuloy na magkaisa at magtulungan upang maisulong ang positibong pagbabago para sa mas maunlad at nagkakaisang mamamayan.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading