2K Allowance Para sa mga Senior High Students SA Brgy. Trece Cruces, Tanza, Ipinamahagi
Hindi lang sa mga komunidad ng Tanza, pati mga mag-aaral dapat matugunan…
Ipinamahagi ang tig-P2,000 allowance sa mga senior high school students sa Brgy. Tres Cruces sa bayan ng Tanza, bilang bahagi ng patuloy na suporta sa kanilang pag-aaral.
Sa pangunguna ni Mayor SM Matro kasama ang mga konsehal ng bayan, si Kapitan Eduard Toledo, at iba pang opisyal ng barangay. Layunin ng programa na matiyak na hindi lamang sa komunidad naipaparating ang tulong, kundi lalo na sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan.
Nagpasalamat din si Mayor Matro sa mga taxpayers na patuloy na sumusuporta sa mga programang pang-edukasyon at iba pang hakbangin upang mapabuti ang pamumuhay ng bawat Tanzeño.
#CaviteConnect

