$34.4B AI INFRA MASTERPLAN, INILUNSAD NG GOBYERNO; TARGET MAKABUO NG LIBU-LIBONG AI JOBS AT INFRA JOBS SA 2033
Inilunsad ng pamahalaan ang Philippines AI+ Infrastructure Masterplan 2026–2033, isang $34.4-bilyong roadmap na layong gawing AI hub ng rehiyon ang bansa.
Ayon sa DICT, target ng plano na gawing AI builder at host ang Pilipinas, hindi lamang consumer ng teknolohiya.
Sa ilalim nito, palalawakin nang 30 beses ang data center capacity mula 50MW (megawatts) patungong 1.5GW pagsapit ng 2033, na may unang 400MW (megawatts) na target bago ang 2030.
Gagamit ng natural gas para sa agarang pangangailangan sa kuryente habang layong 40% ng supply ay mula sa renewable energy. Pinag-aaralan din ang nuclear power bilang long-term option.
Tinatayang lilikha ito ng mahigit 500,000 AI jobs at 175,000 infrastructure jobs, at magpapataas ng GDP ng 10–12%.
Itatayo ang AI corridors sa Clark-Bataan (main hub), Batangas-Aurora, Subic-Calabarzon, at Visayas-Mindanao growth areas.
Sa kabuuang pondo, 39% ay mula sa gobyerno at 61% mula sa private sector.
#PilipinasConnect

