Panukalang Batas sa Pag-Ban ng Paggamit ng Social Media para sa Edad 13 Pababa, Inihain sa Kamara

Isinumite ng isang komite ng House of Representatives ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng social media para sa mga batang 13 taong gulang pababa, ayon sa ulat nitong Martes, Setyembre 8.

Ipinresenta ang panukala ni Pasig City Rep. Roman Romulo sa pagdinig ng House Committee on the Welfare of Children.

Ayon kay Romulo, layunin ng panukala na protektahan ang mga kabataan mula sa masamang epekto ng social media at labis na paggamit ng screen time.

“Basically the bill now will be a ban on all social media platforms for those under 13. What we want is for them not to have any screen time,” ayon sa mambabatas.

Dagdag pa niya, para naman sa mga edad 13 hanggang wala pang 18, papayagan ang paggamit ng social media ngunit lilimitahan ang access sa mga tinatawag na harmful content tulad ng karahasan, sex, at iba pang sensitibong paksa.

Layunin ng panukala na palakasin ang proteksyon ng kabataan laban sa online risks at hindi angkop na nilalaman sa digital platforms. #

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading