COC Filing para sa Barangay at SK Elections 2026, Tuloy sa September 28
Tuloy ang paghahanda para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at ang paghahain ng Certificate of Candidacy o COC sa itinakdang petsa sa ika 28 ng Setyembre hanggang Oktubre 5, 2026.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kailangang maihatid agad ang mga election materials na nabili na ng komisyon.
Aniya, mananatili ang election preparations habang wala pang batas na nagpapaliban sa halalan na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.
Samantala, nasa kongreso pa rin ang desisyon kung ipagpapaliban ang eleksyon, habang tungkulin ng Comelec na ipatupad ang kasalukuyang batas at ipagpatuloy ang paghahanda sa nalalapit na halalan.
#PilipinasConnect

