Child Trafficking Suspect, Arestado sa Bacoor

BACOOR — Arestado ang isang babae na kabilang sa Regional Level Most Wanted Persons dahil sa kasong qualified trafficking in persons at paglabag sa child protection laws na nadakip sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang suspek sa alyas “Grasya,” residente ng Bacoor City, na inaresto noong Martes, Setyembre 8, sa Barangay Panapaan 4.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 111 ng Bacoor City noong Mayo 13, 2026.

Nahaharap ang suspek sa dalawang bilang ng Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng Republic Act No. 10364, at paglabag sa Republic Act No. 7610.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Bacoor Custodial Facility at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang kaso.

Source: Remate

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading