LIBRENG DIALYSIS SA MGA ALFONSEÑO, INAASAHANG AARANGKADA NA SA SUSUNOD NA LINGGO

Isang makabuluhan at makasaysayang hakbang para sa sektor ng kalusugan sa bayan ng Alfonso ang nalalapit na pagsisimula ng libreng dialysis program para sa mga Alfonseño.

Batay sa pinakahuling update sa Dialysis Center ng Alfonso, naaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang programa, habang kasalukuyang inaasikaso ang mga kinakailangang dokumento para sa PhilHealth accreditation.

Inaasahan na maaaring simulan ang unang batch ng pasyente sa Setyembre 21, sa oras na maibigay ang pinal na go signal mula sa PhilHealth.

Ayon sa tanggapan ng Alkalde, ang lahat ng nagpalista sa OM ay direktang kokontakin upang mabigyan ng iskedyul ng kanilang treatment.

Sa ilalim ng inisyatibong ito, layunin ng lokal na pamahalaan na maihatid ang isang maayos, maaliwalas, at ganap na abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan ng Alfonso.

Pangunahing hangarin ni Mayor Randy Salamat ang patuloy na paggaling, ginhawa, at pag-asa para sa lahat ng Alfonseño.

#CaviteConnect

Photo credits: Mayor Randy Salamat/Facebook

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading