Remulla, Pinangunahan ang “Handog ng Pangulo” sa Cavite; Higit 5,000 Benepisyaryo, Nakatanggap NG Tulong
Pinangunahan ni Jonvic Remulla ang Cavite leg ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat” noong Lunes, na nakapaghatid ng tulong at serbisyong publiko sa mahigit 5,000 Caviteño.
Umabot sa humigit-kumulang ₱12.7 milyon ang naipamahaging ayuda at benepisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Layunin ng programa na mailapit sa mga komunidad ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno, kabilang ang tulong pinansyal at iba pang frontline services.
Ayon sa mga opisyal, patuloy ang ganitong inisyatiba upang mapalakas ang direktang serbisyo para sa mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
#CaviteConnect

