MAYOR MATRO: “HANDA PO TAYONG MAG-OPISINA KAHIT SAAN, UPANG MAKAPAG-ABOT NG TULONG SA ATING MGA KABABAYAN”

TANZA, Cavite — Binigyang-diin ni Archangelo “SM” Matro na handa ang kanyang pamahalaan na maghatid ng serbisyo kahit saan, kabilang na ang mga lansangan, upang mas mapalapit ang tulong sa mga residente.

Ayon kay Mayor Matro, hindi lamang dapat sa opisina ibinibigay ang serbisyo ng pamahalaan kundi pati sa komunidad mismo, lalo na sa mga mamamayang hindi kayang makapunta sa munisipyo.

Iginiit pa niya na handa ang kanilang tanggapan na maglingkod saan mang lugar upang matiyak na naaabot ang bawat mamamayan.

“Handa po tayong mag-opisina kahit saan, upang makapag-abot ng tulong sa ating mga kababayan,” pahayag ni Mayor Matro sa kaniyang Facebook post.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng ganitong inisyatiba na mas mapabilis at mapalawak ang paghahatid ng serbisyo publiko sa iba’t ibang komunidad sa Tanza.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading