DTI, ASTRAZENECA PINAIGTING ANG CLINICAL RESEARCH SA PILIPINAS

Pinalalakas ng DTI at AstraZeneca ang kanilang partnership upang gawing regional hub ang Pilipinas para sa clinical research at life sciences.

Ayon sa AstraZeneca, mahigit ₱3 bilyon na ang kanilang na-invest sa clinical trials sa bansa sa nakalipas na anim na taon.

Mayroon din itong mahigit 28 ongoing at planned clinical trials na kinasasangkutan ng higit 1,000 Filipino patients.

Plano ring itatag ngayong 2026 ang Clinical Trial Centre of Excellence sa Manila, katuwang ang DLSU, DOST at PEZA.

Ayon kay DTI Secretary Ma. Cristina Roque, makatutulong ang inisyatiba sa paglikha ng de-kalidad na trabaho at pagpapalakas ng healthcare innovation sa bansa. #END

SOURCE: DTI NEWS RELEASE courtesy Diyaryo Milenyo

#PilipinasConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading