GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA ITATAYONG CONVENTION CENTER AT MULTI-PURPOSE EVACUATION CENTER SA NAIC, ISINAGAWA NGAYONG OKTUBRE 14

NAIC, Cavite — Isinagawa ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 14, ang pagtatayo ng kauna-unahang convention center at multi-purpose evacuation center sa Barangay Timalan Balsahan, Naic, Cavite matapos pangunahan ni Mayor Rommel Magbitang ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto.

Dumalo sa seremonya ang mga opisyal ng homeowners’ associations mula sa mga pampubliko at pribadong subdivision, mga lider ng komunidad, iba pang personalidad sa Naic, at kinatawan ng Naic Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Mayor Magbitang, patuloy na magsisikap ang lokal na pamahalaan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga Naicqueño. Hinikayat din niya ang mga residente na patuloy na suportahan ang mga pagbabagong naglalayong mapaunlad ang bayan.

Binigyang-diin ng alkalde ang adhikaing “Naic, Possible,” na sumasalamin sa kanyang hangaring maisakatuparan ang mga proyektong makatutulong sa komunidad at mamamayan ng Naic.

Wala pang opisyal na target na petsa ng pagkumpleto ng dalawang pasilidad ngunit asahan na ang magandang pagbabago sa bayan ng Naic. #

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading