MAYOR MATRO, TINIYAK ANG TULONG MEDIKAL SA MGA TANZEÑO SA PAMAMAGITAN NG HALOS ARAW-ARAW NA MEDICAL MISSION
TANZA, Cavite — Patuloy na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal ang lokal na pamahalaan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor SM Matro upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga residente.
Nagpasalamat ang alkalde sa mga kawani ng munisipyo at mga opisyal ng barangay na nagtutulungan upang maisakatuparan ang halos araw-araw na medical mission at iba pang libreng serbisyo para sa mga Tanzeño.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga nagbabayad ng buwis sa pagpapatuloy ng mga programang naglalayong mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan.
#CaviteConnect

