15 Taon ng Pagkakaisa: Kababaihan ng Alfonso, Patuloy sa Serbisyo

ALFONSO, Cavite –— Ipinagdiwang ng Nagkakaisang Kababaihan ng Alfonso (NKA) ang kanilang ika-15 anibersaryo bilang aktibong katuwang ng lokal na pamahalaan sa mga programa at proyekto para sa komunidad.

Ayon kay Randy Salamat, mahalaga ang papel ng samahan sa paghubog ng mas progresibo at makataong Alfonso.

“Salamat po sa aktibong pakikilahok sa mga programa at proyekto ng ating pamahalaan. Kayo po ay mga lider, tagapagtaguyod, at katuwang ng ating munisipyo sa pagsusulong ng isang mas progresibo at makataong Alfonso,” pahayag ng alkalde.

Muling binigyang-diin sa okasyon ang mahalagang ambag ng kababaihan sa kaunlaran ng bayan.

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading