MAKRO, MAGBABALIK SA ‘PINAS; MAGTATAYO NG 4 STORES, KABILANG ANG CAVITE
Magbabalik ang Makro sa Pilipinas sa pamamagitan ng apat na bagong stores sa mga estate ng Ayala Land Inc., kabilang ang Evo City sa Kawit, Cavite.
Ang Makro Philippines ay joint venture ng Ayala Corporation at CP Axtra Public Co. Ltd., na magdadala ng mas malawak na produkto para sa mga negosyo at mamimili.

