WALANG PINIPILING PANAHON, WALANG PINIPILING PAGTULONG: AYUDANG BIGAS SA TANZA, TULOY-TULOY PARA SA LAHAT
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayudang bigas para sa mga residente ng Barangay Poblacion 1, 2, 3 at 4 sa Tanza sa pangunguna ni Mayor SM Matro.
Sa pagtutulungan ng pamahalaang bayan at mga opisyal ng barangay, inihatid ang tulong sa mga residente nang walang pinipili.
Nagpasalamat din si Mayor Matro sa mga taxpayer, barangay officials, kawani at volunteers na naging katuwang sa patuloy na paghahatid ng serbisyo at malasakit sa mga mamamayan ng Tanza sa nagpapatuloy na banta ng masamang panahon.

