BABAENG WANTED SA CHILD ABUSE SA CAVITE, ARESTADO SA ORIENTAL MINDORO

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Arestado ang isang 24-anyos na babae na may kasong child abuse sa Cavite matapos madakip sa Barangay Maligaya, Oriental, Mindoro noong Setyembre 19.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant mula sa Family Court sa Trece Martires City, na may kaukulang piyansang ₱80,000. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang proseso at turnover sa korte.

Ayon sa pulisya, naisagawa ang operasyon sa tulong ng iba’t ibang yunit, habang tiniyak ng PRO MIMAROPA ang patuloy na paghahanap sa mga wanted na indibidwal.

Source: Philstar

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading