Kawit Kalayaan Hospital, Pinalawak; Serbisyong Pangkalusugan, Mas pinalapit sa mga Residente
KAWIT, Cavite — Patuloy na pinalalawak ang Kawit Kalayaan Hospital sa Toclong–San Sebastian Road upang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Kawit at karatig-komunidad.
Noong Marso 2026, inilunsad ang expanded facility na may bagong hospital building, upgraded Primary Care Facility at BUCAS Center, na binuo sa pakikipagtulungan sa Southern Tagalog Regional Hospital.
Mula sa dating maliit na primary care facility, layunin ng pagpapalawak na madagdagan ang kapasidad ng ospital at gawing mas accessible at abot-kaya ang medical, diagnostic at emergency services.
Patuloy din ang mga hakbang upang ma-upgrade ang pasilidad bilang 100-bed Level II/III district hospital.
Source: Proud Caviteño
#CaviteConnect

