RECTO, PACQUIAO NAGKASUNDO SA MAS PINALAKAS NA KOORDINASYON KONTRA KAHIRAPAN
Nagkasundo sina Executive Secretary Ralph Recto at National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary at Lead Convenor Manny Pacquiao na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapabilis ang mga programa laban sa kahirapan.
Nag-usap ang dalawa sa Malacañang tungkol sa mas maayos na pag-uugnay ng mga programa para direktang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya.
Layunin ng administrasyong Marcos na mapababa sa 9% pagsapit ng 2028 ang poverty incidence. Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba na ito sa 9.7% noong 2025, ngunit tinatayang 11.08 milyon pa rin ang kabilang sa mahihirap.
Sinabi ni Recto na kailangang ipagpatuloy at pabilisin ang mga hakbang sa poverty reduction upang matiyak na nakararating ang tulong sa mga sektor at komunidad na higit na nangangailangan. #
Photo credits: Office of the Executive Secretary
#PilipinasConnect

