MAINTENANCE STAFF, DINAKIP SA DASMARIÑAS DAHIL SA UMANO’Y PAGTATAGO NG ELECTRICAL WIRE
DASMARIÑAS CITY, Cavite — Isang maintenance staff ang dinakip matapos umanong matagpuan sa kanyang pantalon ang stranded electrical wire sa isang mall sa Dasmariñas City.
Ayon sa Dasmariñas Component City Police Station (CCPS), isinagawa ang regular security inspection sa isang restricted area ng mall nang mapansin umano ang suspek na palabas ng electrical room.
Dinala siya sa security office para sa beripikasyon, kung saan umano nakita ang electrical wire na nakatago sa kanyang pantalon.
Nasa kustodiya na siya ng pulisya at nahaharap sa reklamong Attempted Qualified Theft, ayon sa ulat.
Source: Remate
#CaviteConnect

