ALFONSO SIKLAB PICKLEBALL TEAM, PASOK SA TOP 3 SA UNANG LEG NG MAHARLIKA PILIPINAS PICKLEBALL TOUR

ALFONSO, CAVITE — Nakuha ng Alfonso Siklab Pickleball Team ang ikatlong puwesto sa unang leg ng Maharlika Pilipinas Pickleball Tour Invitational, na nilahukan ng 11 koponan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ipinagmalaki ng koponan ang kanilang naging laban habang dala ang pangalan ng Alfonso, Cavite sa pambansang torneo.

Nagpasalamat naman si Alfonso Mayor Randy Salamat at ang kanyang koponan sa lahat ng sumuporta at nanood sa kanilang mga laban, at nagpahayag ng kanilang pag-asang muling makapagpakita ng magandang performance sa ikalawang leg ng torneo.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading