INFLATION PILIPINAS, SUMIPA SA 7.2% NOONG SETYEMBRE
Umakyat sa 7.2% ang inflation rate noong Setyembre mula 6.1% noong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Pangunahin itong dulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain at fuel, na naapektuhan ng weather disturbances, problema sa suplay at tensyon sa Middle East.
Nagbabala ang BSP na maaari pang maapektuhan ang presyo ng gulay, isda, bigas at prutas, habang kabilang sa iba pang inflation risks ang pamasahe, electricity rates at paghina ng piso. #

