CCTV, NAKATULONG SA PAGBAWI NG MGA KAGAMITANG TINANGAY SA ISANG PAARALAN SA SILANG

SILANG, CAVITE — Naaktuhan sa CCTV ang isang lalaki na umano’y nagnakaw ng flat-screen TV at electric fan sa Bulihan Sites and Services Project Elementary School kamakailan.

Makikita sa footage ang suspek na umakyat sa bakod bago pumasok sa paaralan at kunin ang mga kagamitan mula sa isang silid-aralan.

Sa pagsusuri ng Municipal Extension Office-Bulihan at STMO-Bulihan, natukoy ang dinaanan ng suspek. Sa koordinasyon sa Barangay Acacia, nabawi ang mga kagamitan at naibalik sa paaralan.

Pinaalalahanan naman ang mga paaralan at kawani na paigtingin ang seguridad upang maiwasan ang katulad na insidente. #

Source: Remate

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading