MAYOR MATRO, PATULOY ANG SERBISYONG MAY PUSO PARA SA MGA KABABAYANG MAY KARAMDAMAN

TANZA, CAVITE — Patuloy na ipinapakita ni Mayor SM Matro ang malasakit sa mga Tanzaño sa pamamagitan ng personal na pagbisita sa mga residenteng nangangailangan ng tulong, kabilang ang mga may karamdaman.

Kabilang sa kanyang mga nakapanayam ang isang residente sa Barangay Capipisa na sumasailalim sa gamutan para sa sakit sa baga. Sa kanyang pagbisita, binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-iingat at higit sa lahat, ang agarang pagtugon at suporta sa mga nangangailangan.

Ayon kay Mayor Matro, mas marami pang kababayan ang matutulungan kung magtutulungan ang pamahalaan, barangay at mga mamamayan, kabilang ang mga taxpayer, upang maihatid ang kinakailangang serbisyo sa bawat komunidad.

“Mas maraming tulong pag maraming nagtutulong-tulong,” pahayag ni Mayor Matro. #

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading