MAYOR CARRANZA, NANGUNA SA PAGSASAAYOS NG SERBISYO NG TUBIG SA SILANG

SILANG, CAVITE — Pinangunahan ni Mayor Gen. Ted Carranza ang pakikiisa ng pamahalaang bayan sa mga hakbang para maayos ang suplay at serbisyo ng tubig sa mga barangay, kabilang ang mga lugar na matagal nang nakararanas ng problema sa patubig.

Katuwang ang HIRAYA Water Corporation at Silang Water District, isinusulong ang pipeline rehabilitation sa AFP Housing Barangay Bulihan, gayundin ang source development projects sa Narra 2, Magagnon, Tibig at Pulong Saging.

Partikular na tututukan ang Barangay Bayani upang matugunan ang problema sa suplay ng tubig at magkaroon ng mas tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo para sa mga residente.

Ayon sa pamahalaang bayan, bahagi ito ng pagsisikap ni Mayor Carranza na mailapit at mapabuti ang pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat Silangueño.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading