LIBRENG FINANCIAL EDUCATION PARA SA OFWs, APRUBADO SA KAMARA
Inaprubahan ng House of Representatives sa final reading sa botong 250 pabor ang panukalang Free OFW Financial Education Act upang maprotektahan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya laban sa utang, scam, at mapanganib na pamumuhunan.
Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng libreng financial literacy training bago umalis at pagdating sa ibang bansa, kabilang ang kaalaman sa utang, kontrata, insurance, at investment.
Palalakasin din ng pamahalaan ang kampanya laban sa online scams, pyramiding schemes, at mga promosyon sa sugal na nagta-target sa OFWs.
#PilipinasConnect

