BAKOOD FESTIVAL, NAGPAPALAKAS SA KULTURA AT LOKAL NA EKONOMIYA NG BACOOR

BACOOR CITY, CAVITE — Higit sa pagdiriwang ng kultura at pananampalataya, nagsisilbi ring tulay ang Bakood Festival sa pagpapalago ng turismo at lokal na negosyo sa Bacoor.

Ayon sa City Information and Community Relations Department (CICRD), nagbibigay ang festival ng oportunidad sa mga lokal na artist, maliliit na negosyo at iba pang sektor.

Inaasahang magdadala rin ng dagdag na turista at aktibidad pang-ekonomiya ang pagho-host ng Bacoor sa 2028 Asian Music Games, na magpapalakas sa pagkilala sa lungsod bilang “Marching Band Capital of the Philippines.”

Gumagamit din ang pamahalaang lungsod ng social media at livestreaming upang mas mapalawak ang audience at mahikayat ang kabataan na ipagpatuloy ang tradisyon ng marching bands.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading