MAYOR MATRO, SINUYOD ANG MAKIPOT NA DAAN SA BRGY. AMAYA 2, LULAN NG TRICYCLE PARA MAKAPAGHATID NG TULONG

Bukod sa patuloy na paglalakad araw-araw ni Mayor SM Matro, hindi naging hadlang ang makipot na daan sa bawat eskinita na kaniyang parorooanan na hindi kayang pasukin ng malalaking sasakyan para lang maikutan at maiparating ang tulong sa mga residente.

Sa halip na umatras sa mga lugar na mahirap daanan sa layo at haba ng lakaran, sumakay si Mayor Matro ng tricycle para maabot ang mga bahagi ng Brgy. Amaya 2 at maibigay ang kinakailangang tulong.

Aniya, hindi mauubusan ng paraan sa pag-abot ng mga kamay ng mga nangangailan ng tulong SA bayan ng Tanza maihatid lamang ang serbisyong sapat kahit pa ang daanan ay makitid at mahirap lusutan.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading