LIBRENG SAKAY SA KAONG-BULIHAN ROAD, IPATUTUPAD SA UNDAS

SILANG, CAVITE — Magpapatupad ang Pamahalaang Bayan ng Silang ng libreng sakay sa mga bukyo sa Kaong-Bulihan Road ngayong Undas para sa mga bibisita sa Sementeryo ng Bulihan.

Ayon kay Mayor Ted Carranza, may libreng biyahe sa magkabilang direksyon—Kaong at Bulihan upang mapadali ang pagpunta at pag-uwi ng mga residente.

Dahil may bahagi ng kalsadang hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa, susundin ang sistema ng pickup point, drop-off point at walking zone bago muling sumakay ng bukyo.

Bibigyang-prayoridad ang senior citizens, PWDs at mga pamilyang may kasamang bata upang maging ligtas at maayos ang kanilang biyahe.

Layunin ng programa na matulungan ang mga dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

Photo Credit to the rightful owner

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading