MAHIGIT ₱3-M ARI-ARIAN, NATANGAY SA PANLLOLOOB SA MAG-ASAWANG SENIOR SA BACOOR
BACOOR CITY, CAVITE — Mahigit ₱3 milyong halaga ng alahas, pera at iba pang kagamitan ang natangay matapos holdapin ng mga armadong lalaki ang mag-asawang senior citizen sa Springville, Bacoor City.
Ayon sa ulat, naglilinis ng sasakyan si alyas Noel, 62, bandang alas-5:30 ng umaga nang dumating ang mga suspek sakay ng itim na Honda Civic Sedan na walang plaka. Sapilitan silang pumasok sa bahay at tumakas matapos makuha ang mga ari-arian.
Tinutugis na ng pulisya ang pitong suspek at sinusuri ang mga CCTV footage upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.
Source: Remate
#CaviteConnect

