2 LALAKI, TIMBOG SA PAGNAKAW NG METRO NG TUBIG SA GENERAL TRIAS; BARIL, NASAMSAM

GENERAL TRIAS CITY, CAVITE — Arestado ang dalawang lalaki sa Barangay Buenavista 2, General Trias City, madaling-araw ng Oktubre 13, matapos umanong makuhanan ng tatlong metro ng tubig.

Ayon sa pulisya, nahuli ng nagpapatrolyang BPAT personnel ang mga suspek na sina alyas “Mac,” 30, at “Baro,” 29, kapwa taga-Tanza, Cavite.

Nasamsam din ang isang 9mm pistol na may binurang serial number. Inaalam ng mga awtoridad kung sangkot ang dalawa sa iba pang nakawan ng metro ng tubig sa mga karatig-bayan.

Nahaharap sila sa mga kasong may kaugnayan sa Anti-Fencing Law at batas sa regulasyon ng mga baril.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading