LIBRENG 10 KILONG BIGAS, MULING IPINAMAHAGI SA MGA RESIDENTE NG CARMONA

CARMONA CITY, Cavite — Nagpatuloy ang pamamahagi ng libreng 10 kilong bigas sa mga residente ng Carmona sa ilalim ng programang Bigas Para sa Carmona na pinangungunahan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ni Mayor Dahlia Loyola.

Saklaw ng ikatlong batch ng pamamahagi ang mga residente ng Barangay Mabuhay, Phase 3½ at Phase 4 Milagrosa, Sitio Paligawan Matanda, Davilan, at Barangay Lantic Proper.

Layunin ng programa na makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilya, lalo na sa pagbili ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.

Ayon sa lokal na pamahalaan, maglalabas pa ng mga susunod na anunsyo hinggil sa iskedyul ng pamamahagi sa iba pang mga barangay sa Carmona.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading