6.61 GRAMO NG ILEGAL NA DROGA, B^RIL AT MGA B^LA, NASAMSAM; LALAKI ARESTADO SA GEN. TRIAS
GENERAL TRIAS, Cavite — Arestado ang isang 38-anyos na lalaki na kinilalang alyas “Tammy” matapos masamsaman ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 6.61 gramo, isang .38-caliber revolver na walang serial number, at dalawang bala sa Barangay San Francisco, General Trias City, Cavite, nitong Oktubre 19, 2026.
Ayon sa pulisya, nakatanggap ng tip ang mga operatiba hinggil sa umano’y bentahan ng ilegal na droga sa lugar, na agad nilang tinugunan.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱44,948 ang nasamsam na hinihinalang shabu. Isasailalim ito sa laboratory examination habang inihahanda ang mga dokumento para sa inquest proceedings.
#CaviteConnect

