LRT-1 CAVITE EXTENSION PHASE 2, SISIMULAN NA NGAYONG TAON, AYON SA DOTr
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na sisimulan na sa ngayong taon ang konstruksyon ng Phase 2 ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Ayon kay Acting Secretary Giovanni Lopez, target magsimula ang proyekto bago matapos ang 2026. Ang ₱64.9-bilyong proyekto ay magdadagdag ng 11.7 kilometro at walong istasyon mula Parañaque hanggang Bacoor, Cavite.
Naantala ang proyekto dahil sa right-of-way issues, ngunit inaasahang mareresolba ito sa sandaling mapirmahan ang kasunduan sa pagitan ng mga ahensya at pribadong sektor ngayong Setyembre.
Sinabi naman ni Las Piñas City lone district Rep. Mark Anthony Santos na mahalaga ang agarang pagsisimula ng konstruksyon upang mabawasan ang matinding trapiko at mapabilis ang biyahe ng mga commuter mula Cavite at southern Metro Manila. #

