SUNOG SA PRIBADONG PAARALAN SA DASMARIÑAS, 70-ANYOS NA MAY-ARI, NASAWI

Nasawi ang isang 70-anyos na babae matapos masunog ang isang pribadong paaralan sa Barangay Sta. Cruz 1 lungsod ng Dasmariñas noong Miyerkules ng gabi, Sept. 3.

Kinilala ang biktima bilang may-ari ng Brentwood Academy of Dasmariñas Inc., na doon din naninirahan.

Ayon sa ulat ng pulisya, sumiklab ang apoy bandang 8:32 ng gabi mula sa isang silid-aralan at tuluyang naapula dakong 9:13 ng gabi.

Natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima sa loob ng administration office habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga bumbero.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog. #

https://www.facebook.com/share/p/1B457Lc79d/

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading