Matandang Mag-isang Naninirahan sa Barung-Barong Bahay, Nawalan ng Tirahan sa Hagupit g Habagat; Tinulungan ng Tanza LGU
Isang matandang lalaki na mag-isang naninirahan sa isang barung-barong bahay ang nawalan ng tirahan matapos wasakin ng malakas na ulan at hangin dulot ng habagat sa bayan ng Tanza.



Ayon kay Tatay, wala na siyang asawa at mag-isa na lang nabubuhay. Aniya, mayroon naman siyang anak ngunit may sariling pamilya na rin ito kaya mas pinili niyang mamuhay ng mag-isa. Dahil sa kanyang kalagayan, agad siyang tinugunan ng tulong ng lokal na pamahalaan na walang pag-alinlangan.
Sa pangunguna ni Mayor SM Matro, personal niyang nakausap si Tatay at agad na nagpaabot ng tulong at suporta ang LGU upang matulungan ang matanda sa kanyang pagbangon.
#CaviteConnect

