LEPTOSPIROSIS CASES TUMAAS SA CAVITE CITY; PUBLIKO PINAG-IINGAT SA BAHA

Nagbabala ang mga opisyal ng kalusugan sa publiko laban sa paglusong sa baha matapos ang pagtaas ng kaso ng Leptospirosis sa lungsod.

Sa pulong kasama ang Liga ng mga Barangay, sinabi ni Dr. Jeffrey dela Rosa ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na dumarami ang kaso ng sakit na dulot ng kontaminadong tubig-baha.

Batay sa datos hanggang Setyembre 1, umabot na sa walong kaso ang naitala; tatlo ang kasalukuyang ginagamot, isa ang nagpapagaling, at apat ang nasawi dahil sa komplikasyon.

Nagpaalala rin ang Department of Health (DOH) na iwasang maligo o maglaro sa baha. Kung hindi maiiwasan ang exposure, pinapayuhan ang agarang pagpapatingin sa health facility sa loob ng 24 hanggang 48 oras. #

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading