POLICE SUPERINTENDENT, RUMESPONDE AGAD SA AKSIDENTE SA CAVITEX
Agad na rumesponde ang isang opisyal ng pulisya matapos masaksihan ang isang aksidente sa Cavite Expressway noong umaga ng Setyembre 3.
Kinilala ang opisyal na si Eleuterio S. Logronio III ng Cavite Police Provincial Office, na huminto upang tulungan ang mga biktima ng bumaligtad na sasakyan bandang 7:20 ng umaga.
Personal niyang binigyan ng paunang lunas ang mga nasugatan at nakipag-ugnayan sa mga traffic enforcer at emergency responders upang masiguro ang kaligtasan sa lugar.
Ayon sa pulisya, ang mabilis na aksyon ni Logronio ay patunay ng tunay na diwa ng serbisyo publiko at malasakit sa kapwa sa oras ng pangangailangan.
Source: Cavite News Network
#CaviteConnect

