Yellow Rainfall Warning sa Cavite; Publiko Pinag-iingat sa Malakas na pag-ulan
Isinailalim sa yellow rainfall warning ang lalawigan ng Cavite dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, ayon sa PAGASA.
Sa pinakahuling tala bandang alas-2:00 ng hapon, nagbabala ang ahensya sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking bahagi.
Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan, lalo na sa mga lugar na madaling bahain.
Inaasahan namang maglalabas ang PAGASA ng panibagong weather update mamayang alas-5:00 ng hapon.
#CaviteConnect

